MANILA – Inabswelto ng sandiganbayan 4th Division si Dating Commission On Election Chairman Benjamin Abalos Sr hinggil sa kasong katiwalian kaugnay ng NBN-ZTE Deal.Ayon sa 43 pahinang desisyon ng Anti Graft Court, nabigo ang prosekusyon na patunayang ginamit ni Abalos ang kaniyang posisyon bilang chairman ng Comelec upang mag-ahente para sa NBN ZTE Deal project ng gobyerno.Inakusahan si Abalos na humihingi ng komisyon o kickback na $129 Milyong sa nasabing proyekto.Sinabi naman ni Abalos na kailanman ay hindi siya nawalan ng tiwalang mapapawalang sala.Giit pa ni Abalos, walang nakitang ebidensya laban sa kaniya na nagpapatunay na siya ang nagsusulong sa proyekto para makatanggap ng kickback.Kasabay nito, ipinadi-dismiss na rin ni Abalos ang isa pang hiwalay na kasong graft na nakasampa Sa Sandiganbayan dahil sa umano’y kawalan ng matibay na ebidensya.Ito ay kaugnay sa umano’y tangkang pag-impluwesya ni Abalos kay noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para apbpubahan ang poryekto.Samantala … Ikinadismaya naman ng Whistleblower na si Jun Lozada ang naging desisyon ng Sandiganbayan.Naniniwala naman si Lozada na hindi mangyayari ito kung sinuportahan lang sila ng Administrasyon Aquino sa pagpupursige sa kaso.
Dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr, Pinawalang Sala Kaugnay Ng Nbn-Zte Deal
Facebook Comments