Dating COMELEC Chairman Juan Andres Bautista at tatlo pang executives ng dating provider ng COMELEC, nahaharap sa patong-patong na kaso sa America

Nahaharap sa kasong kriminal sa Estados Unidos si dating Commission on Election (COMELEC) Chairman Juan Andres Bautista at tatlo pang executives ng automated election service provider sa Pilipinas na Smartmatic.

Sa pinadalang update ng US Department of Justice kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, bukod kay Bautista kasama rin sa kinasuhan sina Roger Alejandro Piñate Martinez (President ng Smartmatic), Elie Moreno, VP ng Global Services Unit ng Smartmatic at naging General Manager din ng Smartmatic Philippines) at Jose Miguel Vasquez (namumuno sa Smartmatic Taiwan).

Ayon sa US DOJ, nag-ugat ang kaso sa pagitan ng 2015 at 2018, sinuhulan ng isang milyong dolyar nina Vasquez, Piñate at Moreno si Bautista upang mapanatili ang kanilang negosyo sa Pilipinas kaugnay sa pagbili ng voting machines para sa halalan noong 2016.


Nabatid na dinaan sa slush funds ang suhol sa pamamagitan ng fraudulent contracts at loan agreements, na dumaan sa mga banko sa Asia, Europe at America kasama na ang South District of Florida.

Sina Bautista, Piñate, Vasquez, at Moreno ay ipinagharap ng isang bilang ng pagsasabwatan o conspiracy to commit money laundering at tatlong bilang ng international laundering of monetary instruments.

Facebook Comments