Dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr., naka-intubate matapos magpositibo sa COVID-19

Kasalukuyang naka-intubate si dating Commission on Elections (COMELEC) chair Sixto Brillantes Jr. matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa anak nitong si Zeena Brillantes, nananawagan sila ngayon ng dasal para sa kanyang ama na kahapon pa ng tanghali naka-intubate dahil sa hirap sa paghinga.

Napag-alamang Hulyo 18, 2020 pa dinala sa ospital ang dating COMELEC Chairman makaraang makaramdam ng lagnat.


Nagpakita rin ito ng sintomas na may pneumonia dulot ng COVID-19 kung saan Hulyo 22, 2020 nang makumpirmang positibo ito sa virus.

Facebook Comments