Dating Commander ng CPLA, Pinagbabaril ng mga Miyembro ng NPA sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Itinuturing na paglabag sa karapatang pantao ang ginawa umano ng teroristang grupo nang walang awang pagbabarilin ang isang magsasaka sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Nagsasagawa na ngayon ng kaukulang hakbang ang hanay ng 5th Infantry Division, Philippine Army at ang PNP-PRO2 upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Freddie Pahicniyon, 34 taong gulang, magsasaka, dating miyembro ng Cordillera Peoples Liberation Army at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad, si Pahicniyon ay sapilitang binuksan ang pintuan ng kanilang tahanan habang siya ay nagpapahinga at walang-awa siyang pinagbabaril na naging sanhi ng kanyang agad na pagkamatay.


Nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights, ang pagtatangi sa karapatan ng bawat tao na mabuhay, maging malaya at mayroong seguridad at nakapaloob din na walang sinuman ang dapat tratuhin ng hindi makatao.

Ayon sa pahayag ng 5th Infantry Division Philippine Army, lantarang nilabag ito ng teroristang NPA sa pandaigdigang deklalarasyon ng Karapang Pantao.

Ito ang pagpapatunay na walang sinusunod na batas ang teroristang grupo at tanging pagpatay at pagpapahirap ang kanilang ginagawa laban sa mga inosenteng mamamayan.

Dahil dito, hinikayat ni BGen. Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID, ang publiko na kondenahin ang mga hindi makataong gawain ng rebeldeng grupong NPA, lalo na ang kanilang walang awang pagpaslang sa mga inosenteng indibdiwal.

Facebook Comments