Dating Communications Asec. Mocha Uson, hindi sakop ng 1-year appointment ban ayon sa Comelec

Walang nakikitang hadlang ang Comelec sa panibagong posisyon sa gobyerno ni dating PCOO Assistant Sec. Mocha Uson.

 

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi applicable sa mga natalong kandidato na naging nominee ng isang partylist group ang one year appointment ban sa posisyon sa gobyerno.

 

Inihayag din ni Comelec Education and Information Division Dir. Atty. Frances Arabe na mayroong naunang ruling ang Comelec  En banc na nagsasabing hindi saklaw ng appointment ban ang mga nominees ng partylist.


 

Kanina, inanunsyo ng Malacanang ang pagkakatalaga ng Pangulong Duterte kay Uson bilang bagong Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

 

May 2017 nang maupo si Uson bilang Assistant Secretary ng PCOO pero nagbitiw ito noong nakaraang taon matapos ang ilang kinasangkutang kontrobersiya.

 

Si Mocha Uson ay naging nominee ng AAKasosyo partylist pero hindi pinalad na makakuha ng pwesto sa Kongreso.

Facebook Comments