
Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na pinadalhan ng Komisyon ng panibahong subpoena si dating Cong. Elizaldy “Zaldy” Co.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, pinadala ng ICI ang subpoena sa tahanan ni Co sa Bicol at Pasig nitong October 20.
Pinadadalo si Co sa pagdinig ng Komisyon sa November 11 at 12, dakong 9am.
Samantala, dumistansya muna ang ICI sa reklamong inihain ni dating Senador Antonio Trillanes IV laban kay Senador Bong Go sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Hosaka, pinauubaya na nila ito sa Ombdsman lalo na’t nakatutok ang Komisyon sa 421 na maanomalyang flood control projects.
Una nang pinabulaanan ng ICI ang tweet ni Trillanes na nagsasabing pinadalhan na daw ng Komisyon ng imbitasyon si Senador Bong Go at tinanggihan daw ito ng senador.









