Monday, February 16, 2026

Dating Cong. Zaldy Co at iba pang mga “congtractors”, dapat madiin sa committee report ng Senate Blue Ribbon Committee

Iginiit ni Senator JV Ejercito na dapat ay kasama sa partial committee report kaugnay sa maanomalyang flood control projects ang ilang mga kongresista na nabanggit sa imbestigasyon partikular si dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay Ejercito, naging consistent siya sa pagdalo sa mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee at mahalagang matunton ang mga tunay na salarin at nagpasimula ng modus gaya ng mga aniya’y “congtractors”.

Sa tingin pa ni Ejercito, ang mga tunay na salarin ay hindi talaga nadidiin.

Punto pa ng senador, kung may bentahan ng proyekto, hindi ito gawain ng Senado dahil wala namang contractor sa kanila at ang mga allocables noong unang lumabas ay hindi alam ng mga senador.

Aminado si Ejercito na nakukulangan siya sa laman ng initial report pero handa naman siyang lagdaan ito at may isusulong na amendments.

Facebook Comments