
Hindi sapat para kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagbibitiw sa Kamara ni dating Ako Bicol Partylist Cong. Zaldy Co.
Giit ni Dela Rosa, hindi sapat ang pagbibitiw ni Co bilang kongresista, at sakaling mapatunayan ay dapat mapanagot ang mambabatas sa maanomalyang ghost projects.
Aniya, magiging sapat lamang ang pagre-resign ni Co kung sasailalim ito sa mabusising imbestigasyon.
Binigyang-diin ng senador na kung nararapat na usigin ay usigin at kung nararapat na hatulan ay dapat na panagutin.
Sinabi pa ni Dela Rosa na ito rin ang hinihintay na mangyari ng mga tao mula kay Co.
Sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay ipatatawag na si Co at dating Speaker Martin Romualdez para pagpaliwanagin sa flood control project anomaly.
Facebook Comments









