Dating Congressman Arnie Teves, dadalhin sa NBP mamayang umaga —Atty. Topacio

Inaasahang ililipat sa Building 14 sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. matapos ang pananatili nito sa headquarters ng National Bureau of Investigation (NBI) ayon sa abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio.

Ayon kay Atty. Topacio, ang naturang building ay mula sa Bureau of Corrections (BuCor) na pansamantalang ipinahiram sa NBI upang maging detention facility.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung anong oras at kung ipipresenta si Teves sa Department of Justice (DOJ) o sa NBI ngayong umaga bago ito ilipat sa Muntinlupa.

Pinuri naman ni Atty. Topacio si NBI Director Jaime Santiago sa ginawa nitong pagtrato kay Teves.

Aniya, tinanggap ng direktor ang kampo ni Teves, binigyang karapatan ito at hinayaang makausap ng matagal ang mambabatas.

Facebook Comments