Dating Congressman Arnie Teves, mananatili sa kustodiya ng NBI-DOJ

Yan ang naging pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ilang sandali matapos maisakay si dating Congressman Arnolfo Teves Jr. Sa eroplano pabalik ng Pilipinas.

Ayon kay Remulla, makaraang isakay si Teves sa chartered flight ay nasa kustodiya na ito ng gobyerno ng Pilipinas.

Oras na dumating na sa bansa, agad sasalang si Teves sa health checkup at booking procedures at mananatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa mga susunod na araw naman haharap si Teves sa Manila Regional Trial Court kung saan may nakasampa sa kaniyang patung-patong na kaso.

Facebook Comments