Friday, January 16, 2026

Dating Congressman Arnolfo Teves Jr., inabswelto ng korte sa kasong murder noong 2019

Inabswelto ng korte si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. sa kasong murder na kinakaharap niya.

Batay sa ruling ng Manila Regional Trial Court Branch 15, pinagbigyan ang inihaing demurrer to evidence ng dating kongresista.

Ito ay kaugnay sa kasong murder laban kay Teves at ilan pang indibidwal na nangyari umano noong 2019.

Sinabi ng korte na nabigo ang prosekusyon na maitaguyod ang prima facie case kaya inabswelto si Teves.

Samantala, sinabi ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na patunay ito na harassment lamang ang ginagawa sa kanyang kliyente.

Ang naturang kaso ay walang kaugnayan sa kinakaharap din ni Teves bilang utak umano sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo noong 2023.

Facebook Comments