
Matapos ang ilang oras na biyahe mula Timor Leste, nakauwi na sa bansa si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. matapos ang 2 taon nitong pananatili sa labas ng bansa.
Dakong alas-11:18 na ng gabi nang makarating sa Villamor Airbase sa Pasay City ang eroplanong lulan ang mambabatas kasama si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.
Habang nasa Villamor din ang abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi pinapapasok.
Samantala, agad namang dinala sa headquarters ng NBI dakong alas-11:50 si Teves upang sumailalim sa booking procedures at medical examination.
Sumunod naman si Atty. Topacio kasama ang ina ng mambabatas na si Zenaida Teves sa headquarters upang alamin ang sitwasyon ng mambabatas.
Ayon kay kay Topacio ay walang koordinasyon sa mga base security kaya hindi ito nakapunta sa kaniyang kliyente.
Samantala, nakitaan din ng ilang pasa si Teves na ayon kay Topacio ay nakuha mula sa pagkaaresto kay Teves noong siya pa ay nasa Timor Leste.
Sa ngayon ay nananatili si Teves sa pasilidad ng NBi upang makapagpahinga at kasama pansamantala ang kaniyang ina.









