
Hindi alam ni dating House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. na iniimbestigahan sya ng Office of the Ombudsman.
Reaksyon ito ni Gonzales sa pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sinisiyasat din nila ang pagkuha ng mga kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya nito sa bilyon-bilyong pisong halaga ng mga kontrata sa gobyerno.
Welcome kay Gonzales ang imbestigasyon pero sa kanyang pag-kakaalam ay inimbestigahan na ng Ombusman ang nabanggit na mga proyekto at ibinisura ang kaso o reklamo hinggil dito noong 2023 dahil sa kawalan ng ebidensya.
Ayon kay Gonzales, malinaw na ito ay inulit lang o rehashed at recycled na mga isyu laban sa kanya.
Facebook Comments









