
Hinimok ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima si dating Congressman Elizaldy Co na umuwi sa Pilipinas.
Diin ni de Lima, makabubuting lubos na makipagtulungan si Co sa nagpapatuloy na imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control at iba pang infrastructure projects.
Mungkahi pa ni de Lima, panumpaan ni Co ang mga isiniwalat nito at ilahad ang buong katotohanan sa tamang forum.
Mensahe ito ni de Lima makaraang ibunyag ni Co na iniutos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magpasok siya ng P100 bilyong halaga ng proyekto sa 2025 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Facebook Comments









