Nakahanda si dating Cebu City South district Congressman Antonio Tony Cuenco na tumestigo sa Department of Justice may kaugnayan sa umanoy illegal drug trade sa negosyanting si Peter Lim.
Matatandaan na si Cuenco ang namuno sa House Committee on Dangerous Drugs noong 2001, at nag initiate ng imbestigasyon upang makapagsagawa ng panukala laban sa drug trafficking sa Pilipinas.
Inamin ni Cuenco na noong Mayo sa nakaraang taon, nakipagtagpo sa kanya si PNP chief ROnald Dela Rosa upang humingi ng impormasyon sa kaso ni Lim.
Ayon kay Cuenco na ang kanyang magawa ay ang pagpresenta sa mga committee reports at affidavits sa dalawang saksi na dating mga empleyado ni Lim na sina Lorenzo Dy at Bernard Liu na parehong pinatay ilang taong ang nakaraan matapos ang imbestigasyun sa komitiba ni Cuenco .
Ikinalungkot naman ng dating mambabatas na matapos sa labing 16 na taon, mula nang nasailalim sa imbestigasyun si Peter Lim at kapatid na si Wellington, walang kasong isinampa ang PNP at Dept. of Justice laban sa magkatapid na negosyanti kahit sa matibay na ebedensya.
Ngayon umaasa si Cuenco na mapatuloy ang imbestigasyun laban sa mga Lim upang malaman kong ito’y konektado sa illegal drug trade sa bansa.
DYHP RMN CEBU Peter Lim Drug Trade