Dating Congressman Teves, hawak na ng Ministry of the Interior sa Timor Leste

Nakakulong na sa compound ng Ministry of the Interior ng Timor Leste si dating Negros Oriental 3rd District Congressman Arnulfo Teves Jr.

Ito ang inihayag ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio kung saan kasama ng dating kongresista ang kanyang abogado sa naturang bansa na si Dr. Jiao Serra.

Giit ni Topacio, walang ipinakita na warrant o written order ang mga tauhan ng Timor Leste Immigration ng sila ay damputin.

Blangko rin sila sa dahilan ng pagkaka-aresto sa dalawa.

Samantala, patuloy pa rin sa pagkuha ng impormasyon ang Department of Justice (DOJ) sa pinakahuling update kay Teves.

Ayon kay Asec Mico Clavano, wala pa silang pahayag habang hinihintay pa ang karagdagang impormasyon at mga detalye.

Facebook Comments