DATING CTG SUPPORTER, NAGBALIK-LOOB SA GOBYERNO

CAUAYAN CITY – Sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang Communist Terrorist Group (CTG) supporter sa Brgy. Uddiawan, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang dating supporter ng CTG na si alyas “Mio”, 45-anyos, may asawa, isang magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Inamin nito na madalas siyang binibista ng mga CTG at sa bahay niya iniimbak ang mga kagamitang pang-gyera.


Inihayag din ni alyas ” Mio” na nirekrut siya bilang runner, courier, at messenger sa ilalim ng KLG Ifugao, Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).

Ang matagumpay na pagsuko ni “Mio” ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad.

Dinala siya sa Solano PS para sa dokumentasyon at saka inilipat sa 1st NVPMFC para sa debriefing at angkop na proseso.

Facebook Comments