Dating Customs Commissioner Faeldon, pina-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee

Manila, Philippines – Cited in contempt na ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Desisyon ito ni Committee Chairman Senator Richard Gordon at miyembro ng komite makaraang indyanin muli ni Faeldon ang ikapitong pagdinig ngayong araw ukol sa mga anomalya sa Bureau of Customs.

Gayupaman, binibigyan pa ng pagkakataon ng komite si Faeldon na humarap sa susunod na pagdinig sa Lunes bago ito tuluyang ipaaresto.


Sa liham na pinadala ni Faeldon sa komite ay nakasaad na bilang protesta ay hindi na siya haharap sa hearing dahil pawang walang basehan naman ang alegasyon sa kanya at sa kanyang team.

Samantala, sa pagdinig sa Lunes ay inaasahan din ang pagharap ni Charlie Tan, na tinukoy ni Trillanes na sangkot din umano sa iligal na droga at kasama ni Vice Mayor Paolo Duterte sa kanyang gang.

Ayon kay Trillanes, nasakote na ito noong mayor pa ng Davao si Pangulong Rodrigo Duterte pero inarbor ni Pulong.

Sa pagdinig ay inamin ni Paolo na kaibigan at kainunam nga niya si Charlie Tan pero kilala niya ito bilang isang negosyante, na nagmamay-ari ng bar at babuyan at may negosyong seafood din sa Palawan.

Facebook Comments