Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang paratang na sangkot siya sa “Tara System” sa BOC.
Aniya, wala siyang inutusang tao para mangolekta ng tara para sa kanya.
Kahit kailan ay hindi raw siya nangurakot at hindi niya kinonsinte ang korupsyon sa ahensya.
Sa privilege speech ni Senador Ping Lacson kahapon, iginiit niyang tumanggap ng 100-milyong pisong “welcome pasalubong” si Faeldon pagkaupo niya sa puwesto.
Dagdag pa ni Lacson, sa halip na labanan ang korapsyon ay si Faeldon pa ang unang-unang nagpakain sa tara system sa BOC.
Samantala, iminungkahi naman ni Faeldon na magkaroon ng third-party investigation para lumabas ang katotohanan sa umano’y smuggling mafia at suhulan sa ahensya.
Facebook Comments