Dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, pinanindigan ang pagpapakulong kaysa magsalita sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Naka-detain ngayon sa Senado si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito ay matapos niyang manindigan na magpapakulong na lang siya kaysa magsalita sa pagdinig ng Senado kaugnay sa 6.4 bilyong pisong shabu na naipuslit sa ahensya.

Personal na nagpunta si Faeldon sa opisina ng Senate Sergeant at Arms para magpakulong.


Tinangka pang hikayatin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon si Faeldon na pumunta sa pagdinig, pero matigas ang paninindigan ng dating opisyal.

Ayon kay Gordon – ayaw magsalita ni Faeldon sa Senado hangga’t nandoon sina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Panfilo Lacson dahil sa tingin niya ay hindi magiging patas.

Wala namang kasiguraduhan kung hanggang kailan makukulong si Faeldon sa Senado.

Facebook Comments