Dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo, hindi pa makakalabas ng kulungan kahit pinayagang makapagpyansa ng korte

Malabo pa rin ang pansamantalang paglaya ni dating Daraga Albaya Mayor Carlwyn Baldo kahit pa pinayagan ito ng korte na makapagpyansa dahil sa mga kasong two counts of murder at six counts of attempted murder.

Ito ay kaugnay sa pagpatay kay AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe at Aide nito.

Ayon kay PNP Region 5 Director Brig. Gen. Arnel Escobal, hindi pa mapapalabas ng Albay Provincial Jail si Mayor Baldo habang pending pa ang inihaing Motion for reconsideration ng prosecution office kaugnay sa pagpayag kay Mayor Baldo na makapag pyansa.


Sinabi ni Escobal na kailangan munang maresolba ang inihaing motion for reconsideration bago mapalaya pansamantala ang dating alkalde.

Nanindigan naman si PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac na matibay ang mga ibinigay na ebidensya ng PNP sa korte.

Ngunit iginigalang nila ang desisyon ng korte nang payagang makapagpyansa si Mayor Baldo na aabot sa 12 milyong piso.

Facebook Comments