Dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo, pormal nang  nakapagpiyansa sa kasong murder kaugnay ng Batocabe slay case

Pormal nang nakapagpiyansa si dating Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay sa kasong murder kung saan siya ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe at sa police escort nito.

12-million pesos na halaga ng property bond ang inilagak ni Baldo sa Legazpi City Regional Trial Court para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Gayunman, hindi pa nailabas ang release order kay Baldo dahil naka-leave si Legazpi City Regional Trial Court Branch 10 Judge Maria Theresa San Juan Loquillano na siyang may hawak sa kaso.

Si Baldo ay nahaharap sa kasong two counts ng murder at six counts ng attempted murder.

Una ring hiniling sa korte ng Pamilya Batocabe na baliktarin ang nasabing desisyon.

Facebook Comments