Dating DBM Secretary at Congressman Rolando “Nonoy” Andaya Jr., natagpuang patay sa kaniyang silid sa Naga City, Camarines Sur

Pumanaw ngayong araw si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary at Camarines Sur Representative Rolando “Nonoy” Andaya Jr., sa edad na 53.

Ito ang inanunsyo ng kaniyang anak na sina Ranton at Katrina Andaya sa isang social media post.

Hindi naman nabanggit ng mga anak nito ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ama.


Pero, ayon sa mga awtoridad ay natagpuang patay si Andaya sa loob ng kaniyang silid sa Naga City, Camarines Sur.

Samantala, humingi ng panalangin ang pamilya ni Andaya para sa yumaong ama.

Si Andaya ay nagsilbing kongresista noong 11th, 12th at 13th Congress.

Noong 2006 naman ay itinalaga siya bilang DBM Secretary hanggang 2010 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Matapos ang kaniyang termino bilang kalihim ng DBM ay muling nahalal si Andaya bilang kongresista ng 1st district ng Camarines Sur hanggang 2019.

Naging House Majority Leader si Andaya ng isang taon sa ilalim ng 17th Congress.

Tumakbo rin si Andaya sa kakatapos lang na 2022 national and local elections bilang Governor ng Camarines Sur, pero natalo siya.

Facebook Comments