Pinuna ni Senator Richard Gordon si dating Department of Budget and Management (DBM) Usec. Lloyd Lao dahil sa paraan ng pagsagot nito sa pagdinig ng Senado.
Kaugnay ito sa pagbili ng mga overpriced na mga medical supplies ng Procurement Service ng Department of Budget and Management sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ayon kay Gordon, nagiging evasive at hindi nagpapakita ng respeto si Lao sa mga Senador sa paraan ng pagsagot nito sa mga tanong.
Napuna rin ito ni Senator Risa Hontiveros kung saan mismong si Lao pa ang nagtatanong kay Senator Gordon.
Samantala, nakita naman ni Senator Imee Marcos na may sariling audit report ang DBM na nagsasabing hindi naman maayos ang delivery ng Pharmally ng COVID-19 goods.
Imbes na 24 hanggang 36 buwan na shelf life alinsunod sa requirement ng Department of Health (DOH), lumalabas na 6 buwan lamang ang shelf life ng testing kits ng Pharmally.