Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay inusisa ni Senator Imee Marcos ang hindi padeklara ni dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng lahat ng income mula 2017 hanggang 2019.
Diin ni Marcos, kapuna-puna na sa mga panahong yan ay malaki ang itinaas ng kabuuang yaman ni Lao base sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN nito.
Paliwanag naman ni Lao, tanging idineklara nya lang sa BIR ay ang kanyang kinita sa pagiging abogado.
Diin ni Lao, tumaas ang kanyang net worth dahil marami siyang ari-arian ang ibinenta sa malaking halaga na kanyang nabili ilang taon na ang nakalilipas sa mababang presyo.
Sabi ni Lao, ang misis nya ang namahala sa pagbebenta ng kanilang properties kaya hindi na niya naideklara sa kanyang income tax return.