Dating DENR Chief Gina Lopez, hindi totoong namatay na – ABS-CBN Foundation

4008
Image via Facebook/Gina Lopez

Mariing pinabulaan ng ABS-CBN Foundation ang balitang kumalat na sumakabilang-buhay na si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ayon sa isang kinatawan ng naturang foundation, sa kanila mismo manggagaling ang pahayag kung totoo man ito.


Naunang lumabas ang ulat sa lifestyle publication na Town & Country Philippines pero agad din tinanggal sa kanilang official website.

Sa bidyong pinost ng noo’y kalihim noong nakaraang buwan, sinabi niyang may “health challenges” siyang pinagdadaanan. Pero sa kabila ng karamdamang pinagdadaanan, isang blessing ang kaniyang nakilala.

“This is Gary singing to me… He is suuuuuch a beautiful person. Like such a beautiful person!!!! It’s amazing how he hasn’t been pulled off center by being in showbiz. He continues to be authentic. It helps that he is surrounded by similarly authentic people,” post na isinulat ni Lopez.

Kasalukuyang nagtratrabaho bilang host at pinuno ng ABS-CBN Foundation si Lopez.

Facebook Comments

From Advertisers