Dating DENR Sec. Gina Lopez, kinondeda ang pagkansela sa open-pit mining ban

Manila, Philippines – Ipinapanawagan ni dating Environment Sec. Gina Lopez sa bagong pamunuan ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapanatili ng sa open pit mining ban.

Ayon kay Lopez, ang planong pagkansela sa naturang ban ay posibleng makalabag sa ilang probisyon sa saligang batas at maging isang social justice issue.

Punto pa ng kalihim, maraming negatibong epekto ang maidudulot nito sa kalikasan tulad ng polusyon sa mga anyo ng tubig.


Iginiit pa ni Lopez, alam niya ang mga hinaing ng mga magsasaka at mga residente malapit sa mga nasabing minahan.

Matatandaang si Lopez ang nagsulong ng pagkakaroon ng ban sa open pit mining.

Facebook Comments