Dating DENR Secretary Gina Lopez, iginiit na hindi dapat tanggalin ang mga ban sa open-pit mining

Manila, Philippines – Nanindigan si dating Environment Secretary Gina Lopez na hindi dapat tanggalin ang mga ban sa open-pit mining na una na niya noong ipinag-utos.

Ito ay sa gitna ng mga mungkahi na dapat nang alisin ang Department Administrative Order (DAO) na nag-ban sa malalimang pagbubungkal ng lupa para sa malimas ang mga yamang mineral.

Sa isang sang presscon sa Quezon City, sinabi ni Lopez na pinapatay ng open-pit ang economic potential ng bansa dahil winawasak nito ang biodiversity at ecotourism.


Idinagdag ni Lopez na nilalabag ng open-pit ang constitutional rights ng mga tao para sa malinis at masiglang kapaligiran na nakasaad sa article 2 section 10 at section 16 ng constitution.

Pinagkakitaan lamang aniya ng mga investors ang open-pit mining na delikado sa kalusugan ng mga nakapaligid doon.

Matatandaang sa gitna ng pagalakay ng Senate Committee on Finance sa proposed budget ng DENR para sa 2018, pinagdi-debatehan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Mining Industry Coordinating Council (MICC) kung paano nila aalisin ang ban sa open-pit mining na pinataw ni Lopez.

Una ring umani ng protesta at banta ng legal action mula sa mining industry ang naging desisyon ni Lopez na ibasura ang nasa 75 mining contracts.

Facebook Comments