MANILA – Napaiyak ang dating opisyal ng Bureau of Immigration na si Al Argosino sa gitna ng pagdinig ng senado sa umano’y tangkang panunuhol ng online casino operator na si Jack Lam.Ayon kay Argosino, sa tagal na ng ilegal na operasyon ng online casino ni Jack Lam tanging sila lang ang naglakas loob na magsampa ng kaso laban dito.Pero, sila pa ngayong dalawa ni dating Immigration Commissioner Michael Robles ang nagigisa, nadidiin at lumitaw na nanghihingi ng peraNanindigan din Argosino, na hindi sila nanghingi ng pera kay Wally Sombero ng magkita sila sa isang restaurant sa City of Dreams.Napilitan anya sila na kunin ang bag ng pera, dahil minabuti nilang gamitin ito bilang ebidensya sa isasampa nilang kaso.Samantala, itinaggi ni rin BI Commissioner Jaime Morente na tumanggap siya ng pera kapalit ng pagre-release sa mahigit 600 mga Chinese illegal workers sa casino ni Lam.Ayon naman sa kolumnistang si Mon Tulfo — tumawag lang siya kay Calima para kumpirmahin ang sumbong ni Sombero na nangingikil ang dalawang BI commissioners.Dagdag pa ni Calima, bilang patunay na tinanggap niya lang ang pera para gawing ebidensya agad siyang nag-text kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre para mag-report na kinumpirma naman ng kalihim.Nagbabala naman si Senador Richard Gordon na isa-cite for contempt at posibleng ipaaresto na si Sombero kapag hindi pa rin ito sumipot sa susunod na pagdinig sa February 9.
Dating Deputy Commissioner Ng Bureau Of Immigration Na Si Al Argosino, Napaiyak Sa Pagdinig Ng Senado Sa Isyu Ng Panunuh
Facebook Comments