Dating DFA Sec. Del Rosario, iginiit na na-harass siya

Isa lang ang naiisip na dahilan ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario kung bakit hindi siya pinapasok sa Hong Kong.

Ito ay ang pagsasampa nila ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping noong March 15.

Ayon kay Del Rosario – ngayon lang siya nagka-problema sa naging biyahe niya sa Hong Kong simula nang ireklamo nila sa ICC ang China.


Naniniwala din ang dating DFA secretary na na-harass siya.

Alas 5:00 kahapon ng hapon nang makabalik ng Pilipinas si Del Rosario matapos na anim na oras i-hold sa Hong Kong airport hanggang sa tuluyang hindi pinapasok sa nasabing bansa.

Hindi naman daw ipinaliwanag ng Hong Kong immigration kung bakit siya pinigil sa paliparan.

Malabo naman aniya na maging banta siya sa seguridad ng Hong Kong gayong hirap na nga siyang makalakad.

Matatandaang Mayo nang i-hold din sa Hong Kong International Airport si Morales.

Facebook Comments