Dating DFA Sec. Del Rosario, na-‘misuse’ ang kanyang diplomatic passport – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na hindi nagamit ng tama ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang kanyang diplomatic passport kaya hindi siya ipinapasok sa Hong Kong.

Matatandaang inakusahan ni Del Rosario ang Hong Kong immigration authorities ng harassment matapos siyang harangin.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – ang biyahe ni Del Rosario sa Hong Kong ay wala namang kinalaman sa gobyerno o foreign service.


Dagdag pa ni Panelo, dapat alam ni Del Rosario ang tamang paggamit ng diplomatic passports at iba pang travel documents.

Iginiit pa ni Panelo na may karapatan at awtoridad ang anumang bansa na ipagbawal na papasukin ang sinumang dayuhan sa kanilang teritoryo.

Tiniyak naman ng Palasyo na makakatanggap pa rin si Del Rosario ng proteksyon at tulong mula sa gobyerno sa kabila ng pamumulitika niya sa isyu.

Facebook Comments