Naglagak na ng piyansa si dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa Manila Regional Trial Court branch 10.
Personal na nagtungo si Yasay sa korte, matapos na payagan ng kanyang mga doktor na makalabas muna ng ospital.
240-thousand pesos na piyansa ang inilagak ni Yasay sa four counts ng kanyang kaso.
Matapos magpiyansa ay agad na bumalik ng ospital si Yasay para sumailalim sa iba pang medical tests.
Si Yasay ay inaresto kahapon dahil sa kasong paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Law matapos ang sinasabing pakikipagsabwatan sa iba pang opisyal ng Banco Filipino para makapangutang ang Tierrasun Inc. ng P350 million.
Pero nilinaw ni Yasay na hindi siya opisyal ng Banco Filipino nang nangyari ang transaksyon, dahil 2009 lamang siya pumasok doon.