Dismayado si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario sa desisyon ng kagawarang kanselahin ang courtesy diplomatic passports na ipinagkaloob sa mga dating kalihim at envoy nito.
Bwelta ni Del Rosario – imbes na kanselahin ang pasaporte ay dapat pinuna ng gobyerno ang hindi paggalang sa kanya ng China matapos paghintayin sa Hong Kong Airport sa loob ng anim na oras at pag-deport sa kanya kahit may hawak siyang opisyal na pasaporte.
Giit niya, ang hindi pagrespeto ng isang bansa sa mga may hawak ng diplomatic passport ay kawalang paggalang sa republika.
Matatandaang naghain si Del Rosario ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping.
Facebook Comments