Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., bilang Special Envoy of the President to the People’s Republic of China for Special Concerns.
Si Locsin ay nagsilbing DFA Chief sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, mula 2018 hanggang 2022.
Sa ilalim ng kaniyang termino bilang DFA chief, isinulong niya ang mga independent foreign policy ni dating Pangulong Duterte.
Nagsilbi rin siyang speechwriter at press secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino bago manungkulan bilang Makati representative ng tatlong magkakasunod na taon mula 2001 hanggang 2010.
Naging speechwriter din si Locsin ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (2002 to 2006) at Joseph Ejercito Estrada (1998).