*Cauayan City, Isabela- *Iginiit ni dating DILG Secretary at Tourism Sec. Rafael “Raffy” Alunan III na tumatakbong senador sa May 13, 2019 midterm elections na sang-ayon ito sa pagpapanumbalik ng death penalty o parusang bitay sa bansa.
Dahil anya ito sa lumalaganap na terorismo, droga, pagpatay, ecological destruction, korapsyon at human trafficking sa ating bansa.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sec. Alunan, nararapat lamang na maibalik ang parusang kamatayan upang mabawasan ang mga naitatalang karahasan at krimen sa Pilipinas.
Naniniwala rin ito na hindi gagawa ng krimen ang isang tao kung may batas na nagpapataw ng parusang kamatayan.
Iminungkahi naman nito na dapat higpitan ang ating mga batas upang hindi makalusot ang mga terorista at mga sindikatong kriminal.