Dating DILG Sec. Mike Sueno, muling iginiit na hindi siya corrupt at biktima lang siya ng intriga

Manila, Philippines – Hindi ako corrupt, biktima ako ngintriga!!
  Ito ang iginiit ni dating Interior and Local GovernmentSecretray Ismael “Mike” Sueno matapos siyang sibakin ni Pangulong Rodrigo dahilsa pagkakasangkot umano sa katiwalian.
  Sa isang interview – muling inulit ng dating opisyal nakahit isang sentimo ay wala siyang tinanggap.
                            
Iginiit din nito na ang kasunduan sa rosenbauer aypinirmahan ng yumaong DILG Secretary Jesse Robredo at wala siyang alam tungkolsa mga iregularidad ng pagkuha ng mga bagong fire trucks.
  Sa kabila naman ng ipinadalang confidential letter nina UndersectaryJohn Castriciones, Jesus Hinlo at Emily Padilla kay Pangulong Duterte nanaglalaman ng mga alegasyon laban sa kanya – binigyan diin ni Sueno na hindiniya ito kakasuhan.
  Sa huli – nagpapasalamat ito at sinibak siya ng pangulo dahilhindi naman anya sumagi sa isip nyang maging isang kalihim.

Facebook Comments