
Suportado ni dating Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Major General Nicolas Torre III bilang bagong pangkalahatang pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Magugunita na pinamunuan ni Torre ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong nasa DILG pa si Abalos, kung saan magkatuwang nilang ipinatupad ang mga high-profile operations, gaya ng pagka-aresto sa fugitive televangelist na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Abalos, ang naging papel ni Torre sa pag-aresto kay Quiboloy ay pagpapakita ng katatagan nitong ipatupad ang “rule of law”.
Aniya, kahit politically sensitive ang kaso, nagpakita ng pagiging kalmado si Torre.
Ani Abalos, ang integridad at pagiging action man ni Torrer ay sapat na upang pamunuan niya ang 230,000-strong force ng PNP.









