Dating DOH Sec. Garin, kumporme sa prioritization ng pamahalaan sa COVID-19 vaccine program

Kumbinsido si Iloilo Representative at dating Health Secretary Janet Garin na prioritization ng pamahalaan sa mga binabakunahan kontra COVID-19.

Gayunman, inirekomenda ni Garin na dapat ding isama sa priority list ang OFWs para makabalik na sila sa kanilang trabaho.

Iniulat din ni Garin na marami pang health workers ang dapat na mabakunanan na rin lalo na ang mga nasa rural health.


Ayon naman kay Dr. Minguita Padilla, President and CEO ng Eyebank Foundation of the Philippines at Project ARK Medical Team Lead, dapat ding bilisan ang pagbabakuna bago pa abutan ng expiration ang mga bakuna.

Nagpaalala naman si dating Health Sec. Manuel Dayrit na malaki ang maitutulong ng bakuna kontra COVID-19 para maiwasan ang mas malaking gastusin sa pagkaka-ospital.

Facebook Comments