Dating DOH Secretary, Janette Gaarin at iba pang akusado sa Dengvaxia case, makakasuhan sa iba’t ibang korte sa bansa.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inaasahang sa iba’t ibang hukuman sa bansa magkakaroon ng mga kaso si dating DOH Secretary Janette Garin at iba pang respondents sa Dengxavia Case.

Ayon kay Guevarra, sa ibat ibang korte isasampa ng DOJ ang information complaint sa mga sangkot sa iregularidad sa Anti-Dengue Vaccination Program.

Aniya, partikular na isasampa ang reklamo sa mga korte na may hurisdiksyon kung saan naganap ang krimen o ang pagturok ng Dengvaxia Vaccine.


Sinabi ni Guevarra na mula kasi sa ibat ibang lugar ang mga complainant kaya ihahain ang kaso kung saang naganap ang pagbabakuna.

Una nang inirekomensa ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa grupo ni Garin.

Facebook Comments