Dating DOH spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, pumanaw na

691
Image from Facebook/Dr. Lyndon Lee Suy

Pumanaw na si dating Department of Health (DOH) spokesperson Asec. Lyndon Lyndon Lee Suy, nitong Sabado ng tanghali.

Binawian ng buhay si Lee Suy sanhi ng cardiac arrest.


Ayon sa kasamahan ng health official, biglang sumama ang pakiramdam niya habnag nagtuturo sa isang paaralan sa lungsod ng Valenzuela.

Naisugod pa siya sa ospital pero namatay din kinalaunan.

Sa ngayon, wala pang ibang impormasyon na ininilabas ang kaniyang mga kaanak hinggil sa burol at libing nito.

Kasalukuyang nagsisilbing assistant secretary sa Office of Health Policy and Systems Development Team ang namayapang opisyal.

Matatandaang kabilang si Lee Suy sa mga pangalang idinawit sa kontorbersiyal na pagbili ng Dengvaxia vaccine noong panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino.

Facebook Comments

From Advertisers