Manila, Philippines – Walang nakinabang at walang kalokohan.
Ito ang sinabi ni dating Transportation and Communications Secretary Jun Abaya kaugnay ng umano’y anomalya sa P3.8-bilyong kontrata na pinasok noon ng DOTC para sa procurement ng mga bagong bagon ng MRT-3.
Sa pagdinig ng Senado, iginiit ni Abaya na malinaw ang kanilang konsensya at ginawa nila nang maayos ang kanilang trabaho.
Panahon ng pamumuno noon ni Abaya sa DOTC nang bumili ang ahensya ng 48 Light Rail Vehicles (LRV’s) mula china.
Pero ayon sa Department of Transportation, hindi pa rin ito mapapakinabangan hanggang sa susunod na tatlong taon dahil sa problema sa signaling system.
Kaugnay nito, nanindigan si Abaya na walang mali sa pinasok nilang kontrata sa Dalian Locomotive and Rolling Stock.
Kaya kung may palpak man sa LRVs, wala aniyang dapat sisihin kundi ang nasabing Chinese company.