Dating DPWH engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, walang balak kumalas sa ICI probe

Iginiit ng kampo nina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza na wala silang planong kumalas sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at iba pang ahensyang nag-iimbestiga sa flood control scandal.

Ayon kay Atty. Ernest Levanza, ang legal counsel ng dalawang sinibak na assistant engineer ng Bulacan First District, nakahanda ang kaniyang mga kliyente na muling humarap kung ipatatawag ulit ng komisyon.

Nauna na raw na isinumite nina Hernandez at Mendoza sa ICI ang kanilang “tell-all” affidavit, na isinumite rin nila sa Department of Justice at handa silang patuloy na makipagtulungan sa komisyon habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.

Matatandaang kumalas ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon ng ICI sa pag-i-invoke ng kanilang right against self-incrimination, kung kaya naglabas agad ng pahayag ang abogado nina Hernandez at Mendoza para tiyakin ang kooperasyon nito sa ICI.

Facebook Comments