
Muling ipinagpaliban ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo ang nakatakdang pagdinig ngayon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sa inilabas na impormasyon ni ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, “purportedly sick” umano si Bernardo.
Hindi naman sinabi ni Hosaka kung anong sakit o karamdaman ng naturang opisyal.
Noong nakaraang linggo, humiling si Bernardo ng karagdagang isang linggo sa ICI upang makolekta ang mga dokumentong kinakailangan sa imbestigasyon.
Matatandaang si Bernardo ang nagdawit sa ilang senador at kongresista na tumanggap umano ng kickbacks kapalit ng infrastructure deals.
Facebook Comments









