
Dumating kanina sa tanggapan ng Independent Community for Infrastructure (ICI) si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.
Ito ay para humarap sa imbestigasyon ng ICI sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.
Una nang humarap sa pagdinig ng Senado si Bernardo kung saan inakusahan niya na tumatanggap ng kickbacks sina Sen. Chiz Escudero, ex-Senators Nancy Binay, Bong Revilla at resigned Cong. Zaldy Co
Tumanggi naman na magbigay ng pahayag sa media si Bernardo.
Facebook Comments









