Dating Driver/Bodyguard At Umano’Y Bagman Ni Senadora Leila De Lima Na Si Ronnie Dayan, Naaresto Na Sa La Union

2

MANILA – Nahuli na ang dating driver/bodyguard at umano’y bagman ni Senador Leila De Lima na si Ronnie Dayan.Base sa report, naaresto si Dayan dakong alas 11:30 kaninang umaga sa Sitio Turod, Barangay San Felipe sa San Juan, La Union ng pinagsanib na puwersa ng Pnp-Cidg La Union, Provincial Police Office-La Union at Pangasinan at ng Bacnotan Police Station.Nabatid na humingi ng tulong si Dayan kay Urbiztondo Mayor Martin Raul Sison para ligtas na makasuko sa pulisya.Una nang naglabas ng arrest warrant laban kay Dayan matapos na hindi ito sumipot sa imbestigasyon ng kamara kaugnay sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).Ikinatuwa naman ng Malacañang ang pagkakaaresto kay Dayan.Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag – malaki ang maitutulong ng testimonya nito para lumabas ang katotohanan sa illegal drug trade sa NBP.Kaugnay nito, nakatakda namang magsagawa ng media briefing si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa Camp Crame, ngayong alas 4:00 nang hapon.

Facebook Comments