Dating Driver/Lover Ni Senator Leila De Lima Na Si Ronnie Dayan, Humaharap Sa Pagdinig Ng Kamara – Pagtanggap Ng Senador

12

MANILA – Kinumpirma ng dating driver, bodyguard at lover ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Palisoc-Dayan na tumanggap ng drug money ang Senadora mula kay Kerwin Espinosa.Sa pagdinig ng House Justice Committee – pormal na pinanumpaan ni Dayan ang kanyang affidavit kung saan inamin nito naging magkarelasyon sila ni De Lima sa loob ng pitong taon habang private lawyer pa lamang ang Senadora at siya ang kanyang driver-bodyguard.Ayon kay Dayan – bago pumasok ang 2015 ay nagkakalabuan na sila ng senadora dahil sa bagong boyfriend nito.Inamin din nito na limang beses siyang tumanggap ng pera mula kay Kerwin mula 2014 na nakalagay sa maliit na bag.Nilinaw naman ni Dayan na mula nang nagtago siya at walang nagbigay ng proteksyon habang siya ay pinaghahanap ng mga otoridad.Inamin din nito na minsan humingi ng tulong ang kanyang pamilya kay De Lima pero hindi raw sila pinagbigyan.Kinumpirma naman ng anak ni Dayan ang text ni De Lima sa kanyang ama na pinagtatago na ito.

Facebook Comments