DATING DRUG SURRENDEREE, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA STA. CRUZ, ILOCOS SUR

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 58-anyos na lalaki na dating drug surrenderee sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Nagtenga, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Kinilala ang suspek bilang isang High-Value Individual (HVI) at residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, dati na itong sumuko sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Sa operasyon na isinagawa sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1 (PDEA RO1), nahuli ang suspek habang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Narekober mula sa kanya ang 16.08 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱109,344.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Cruz MPS ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments