Dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo, pumalag sa akusasyon ni PRRD na ginagamit ang 4P’s sa mga NPA

Manila, Philippines – Pumalag ni Dating Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinulungan nito ang mga New People’s Army sa pamamagitan ng 4P’s.

Ayon kay Taguiwalo, hindi ito toto dahil ang programang 4P’s ay ibinigay sa mga kaanak ng mga sundalong napatay sa giyera base na rin sa kautusan ng Pangulo.

Maging ang mga lumads at indigenous people aniya ay lumapit sa kanilang opisina na kanilang nabigyan ng family food packs at sustainable livelihood program.


Nauna rito, ibinulgar ni Duterte sa kaniyang talumpati sa Cotabato City na nagrerecruit ang dating kalihim ng mga NPA sa pamamagitan ng pagbibigay 4P’s.

Facebook Comments