Nanumpa na bilang kinatawan sa Mababang Kapulungan si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary at kilalang mamamahayag na si Erwin Tulfo matapos ibasura ng Commission on Elections o COMELEC ang disqualification case laban sa kanya.
Si Tulfo ay ikatlong kinatawan sa Kamara ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support o ACT-CIS Party-list ngayong 19th Congress.
Isinagawa ang panunumpa ni Tulfo kagabi sa Batasan Pambansa sa harap ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.
Nilinaw naman ni House Secretary General Reginald Velasco na bagama’t nanumpa na ay hindi pa opisyal na mag-aassume si Tulfo sa kanyang posisyon bilang bagong miyembro ng House of Representatives hangga’t hindi nila natatanggap ang kanyang certificate of nomination mula sa COMELEC.