DATING DUMPSITE SA BONUAN GUESET, BINAKURAN NA

Tuluyan nang binakuran ang dating dumpsite sa Bonuan Gueset sa Dagupan City bilang hakbang upang maiwasan ang posibleng peligro at maprotektahan ang kalusugan ng mga residente sa lugar.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng pagbabakod na pigilan ang patuloy na pagtatapon ng basura at mabawasan ang banta ng aksidente at sakit na maaaring idulot ng dating tambakan.

Kasabay nito, muling pinaalalahanan ang mga residente na sumunod sa wastong solid waste management, partikular ang tamang segregasyon ng nabubulok at di-nabubulok na basura upang hindi na muling lumala ang problema sa basura sa lungsod.

Binigyang-diin na hindi sapat ang pisikal na hakbang tulad ng pagbabakod kung walang kooperasyon ng mga residente, kaya’t mahalaga ang disiplina at pakikilahok ng bawat tahanan.

Inaasahan na sa patuloy na rehabilitasyon ng lugar at aktibong pakikilahok ng komunidad, mapapanatili ang kalinisan at kaligtasan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments